Sep 9, 2004

kandila.

exciting pala dito. daming happenings. may pinatay sa may kanto namin nung linggo. akala ko sa aso lang yung dugo.

maraming namamatay sa maling akala.

kapag gabi ako umuwi, may kandila pa ring umiilaw sa aking daanan dun sa kanto namin. exciting. goosebumps though.

kakahiya naman sa holdaper kung ako matiempohan niya. pamasahe lang laman ng bulsa ko tapos laos na celphone. baka tuluyan na nga ako.

pero nagbibigay inspirasyon pa rin sa kin yung kandilang yun.

Sep 5, 2004

i miss you, i guess i should.

and this is manila. perhaps kailangan ko ng managalog. dahil napapaligiran ako ng nanagalog. tapos ng ulan. tapos ng mga di ko kilala. tapos ng usok. tapos ng mga bilihin na wala akong pambili.

and im still a bum. for more than a month now. and in a few weeks piyesta na sa Naga. and i think ill be here. kasama mga taong palaging nagmamadali, kasama ang usok at mga bilihin sa likuran ng salamin.

and sanay na ako sa dalandan na kulay ng langit pag gabi. among a few things. pero di pa ako handa makarinig ng christmas song, baka maplip ako ng kunti pag nakarinig ako.

ganto pala ang maynila pag matanda ka na. ang dali pa ring mawala.

pati pamasahe madali ring mawala.

ala pa rin akong bagong kakilala dito. except dun sa gustong maging sirena o sirena ba? si maui na marina. digital barkada. wag na mag po. matanda ka na rin.

sana makahanap na ako ng trabaho. dahil ang hirap maging bato dito sa maynila.